Welcome Back Lyrics – Haring Manggi Miguelito Malakas

Welcome Back Lyrics – Haring Manggi Miguelito Malakas

[Chorus: Haring Manggi, Flow G] Dalawang araw paglaya ko pagtapos bumuno Kaming dalawa ni Flow G ay agarang bumuo Galing rehas, ‘yung kulit ko sa loob ko nilabas G Wolf, Miguelito malakas, may basbas ng taas Bibihira ‘to, hindi ‘to madalas Ano pang gagawin, eh ‘yan na bagong labas Miguelito malakas, kailangan ratratin mo na agad Dama ko miss na miss mo na mag-rap Miguelito, welcome back [Verse 1: Flow G] Panahon mo na siguro sumagad, tara dito sa studio magbabad Nung nasa loob ka sobrang daming naghanap (Sobrang dami) Nung nasa loob ka sobrang daming naghanap (Sobrang dami) Galing sa loob nung lumabas walang tatak Do’n pa lang alam mo na agad na papalag Pero lalabas pa rin ‘yung mga gusto kang sukatin Kaya asahan mo maraming magbabalak Kasi ganyan talaga ang buhay Kahit madilim ay kasama pa rin ‘yan sa kulay Maraming gusto kang subukan kung ga’no ka tunay Hindi na sapat ang mahusay sa mga tao na walang umay Na siguradong hindi titigil kung ‘di papakitaan ng sungay Piliin ang mga tunay, mga peke ibasura Kahirapan ang wasakin, wala ibang kasagupa Pwede mo sila patulan, pero bawal ka manguna Pero bago mo sila atupagin, dapat ‘yung sarili mo muna [Verse 2: Haring Manggi] Kausap si insan Flow G nung ako’y nasa loob Sa pangungulungan ko, iilan lang ang tumulong Dumalaw si OG (??), nasa likod ko siya lagi ‘Di ako pwede maburyo, inisip ko mga mali kong nagawa Kung alam mo ang dinanas ko, ‘di ka matatawa Mistulang pinapatay ang aking kaluluwa Dahil sa karanasan ang Manggi ay natuto na Tignan mo mga inggit, maluluha Babawi ako paglaya hanggang sa’king pagpanaw Nung nasa selda ako, ‘di ka man lang dumalaw Biyayang bigay ng Diyos, walang pwedeng umagaw Basbasado ng taas, pagpapala umaapaw Nanay, tatay, utol ko, at iilang mga tunay Ang sumuporta sa’kin do’n sa libingan ng buhay Nilagay ako sa hawla pagkatapos iposas Paglabas ko, ‘di na ako magsasayang ng oras \”Rekta ka sa’kin paglaya mo,\” sabi sa’kin ni Flow G Bente tres edad, beterano ako’y batang OG Sabi ko sa’king sarili, \”Manggi ko, hindi pa huli\” Dalawa kami ni Flow G, hindi maghihirap muli (??), pagkatao nagpakumbaba Nagmula sa’king dibdib ang aking mga tugma Kung papipiliin ka, pagpapala o sumpa? Ang siyang magiging sagot mo ay iyong nagawa [Interlude: Haring Manggi] Yeah, mayamang Manggi Maraming, maraming salamat sa lahat ng pagpapala, Panginoon Patawarin mo ‘ko sa lahat ng aking mga pagkakasala Maganda o pangit na mga araw, kasama kita Lahat ng (??), sa kataas-taasan (G Wolf, Flow G) [Chorus: Haring Manggi, Flow G] Dalawang araw paglaya ko pagtapos bumuno Kaming dalawa ni Flow G ay agarang bumuo Galing rehas, ‘yung kulit ko sa loob ko nilabas G Wolf, Miguelito malakas, may basbas ng taas Bibihira ‘to, hindi ‘to madalas Ano pang gagawin, eh ‘yan na bagong labas Miguelito malakas, kailangan ratratin mo na agad Dama ko miss na miss mo na mag-rap Miguelito, welcome back. Welcome Back lyrics – Haring Manggi Miguelito Malakas : Get lyrics and music video of this beautiful song here on LyricsBull.com

0
Like
Save

Comments

Write a comment

*