[Chorus] Sunog Kailangan kong makalabas dito Makapal nang usok sa dapat na madaanan ko Sunog Kaya pa bang makawala dito Nagbabaga nang kandado ng lahat ng mga pinto [Verse 1] Binuhat ko ang sofa (Binuhat ko) Pasan pasan ko ang ref (Ba’t ang bigat nito) Binalikan ko ang tv (Inipit sa kilikili) Lahat ng mga damet (Lahat lahat lahat lahat) [Verse 2] Dibdib na kumakaba (Lumalagabog) Mata ko na masakit (Sunog na sunog) Hininga na pinipigil (Utang na loob) Pano makakabalik (Bahala na si batman) [Pre-Chorus] Nailabas ko nang lahat ng saki’y mahalaga Bakit ako’y di nagtataka kung nasaan ka na [Chorus] Sunog Kailangan kong makalabas dito Makapal nang usok sa dapat na madaanan ko [Rap] Dumadami nang mga miron Kasi lumalaki na rin ang apoy Kaso may nakaparadang pison Naka harang at hindi maitaboy Nakatulala sa tabi na basa Di ko inakala na ang ganito’y Nakakadala at walang magawa Kinakausap nila pero ako’y Puno man ng paso ay tila manhid Sa natuklasan ko sa aming silid Nang buksan ang pintuang naka pinid Biglang ang mga luha ko’y nangilid Nasa mga bisig na sya ng iba Ang isip ko ay di nag dalawa Nag babagangang galit aking initsa Sa sunog na to ay kayo ang mitsa [Chorus] Sunog Kailangan kong makalabas dito Makapal nang usok sa dapat na madaanan ko Sunog Kaya pa bang makawala dito Nagbabaga nang kandado ng lahat ng mga pinto [Outro] Sunog Kailangan kong makalabas dito Makapal nang usok sa dapat na madaanan ko Sunog Kaya pa bang makawala dito Nagbabaga na kandado yan ay kasalanan mo (Sunog). Sunog lyrics – Gloc-9 : Get lyrics and music video of this beautiful song here on LyricsBull.com
Comments